-- Advertisements --

May ipinalit na ang mga mambabatas ng Tennessee na itatayong rebolto matapos na tanggihan ito ng beteranong singer na si Dolly Parton.

Sinabi ni Tennessee Representative Jeremy Faison na isa sa tinitignan nilang ipalit ay si Anne Dallas Dudley.

Si Dudley ay kilalang suffrage activist noong 20th century na siyang nagtaguyod ng Equal Suffrage League at tumulong sa mga kababaihan para bumuto.

Magugunitang inayawan ni Parton ang panukala na magtayo silang kanilang rebolto.

Ayaw kasi ng singer na masangkot sa anumang pulitika.

Hindi naman ikinagulat ng mga mambabatas ang pagpasya nito ng singer.