-- Advertisements --

Nagbitiw sa kaniyang puwesto ng isang Member of Parliament ng Conservative Party ni British Prime Minister Boris Johnson na si Neil Parish.

Ito ay dahil sa pag-amin nito ng panonood ng pornography habang ito ay nasa House of Commons.

Paliwanag pa ng 65-anyos na mambabatas na aksidente lamang niya napindot ang nasabing pornographic materials noong nagsesearch ito sa internet.

Aminado ito na lubhang mali ang kaniyang nagawa kaya nagdesisyon na itong magbitiw sa puwesto.