-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang Mamburao, Occidental Mindoro.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ito dakong 12:43 ng umaga ng Setyembre 22.

Tectonic in origin ang nasabing lindol na mayroong lalim na 11 kilometro.

Naramdaman ang intensity 3 sa Malvar, Batangas, Intensity 2 sa Quezon City.

Base rin sa kanilang Intrumental instensities naramdaman ang intensity 4 sa Calapan City, Oriental Mindoro, Intensity 3 sa Tagaytay City, Intensity 2 sa Muntinlupa City, Batangas City at Calatagan, Batangas, Mauban, Mulanay at Dolores, Quezon habang intensity 1 sa Lopez, Quezon; Carmona, Cavite at Plaridel sa Bulacan.