Kinumpirma ni AFP chief of staff Gen. Cirilito Sobejana na may nakitang man-made structures sa may bahagi ng Pagkakaisa Banks o Union Banks na matatagpuan sa loob ng Kalayaan Group of Island (KIG) na bahagi ng Municipality of Kalayaan, Palawan.
Nadiskubre ang mga man-made structures sa isinagawang maritime patrols ng Western Command (Wescom) noong Martes March 30,2021.
Ayon kay chief of staff kanila nang naipaalam sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense (DND) ang nasabing asunto na malinaw na paglabag sa soberenya ng Pilipinas.
Ayon kay Sobejana ang Laws of the Sea ang siyang nagbibigay sa Philippines ng “indisputable and exclusive rights” sa nasabing lugar.
Binigyang-diin ni Sobejana na ang ginawang construction at iba pang aktibidad sa lugar ay ”prejudicial to peace, good order, and security” sa territorial waters ng bansa.
Siniguro naman ni Sobejana sa sambayanang Pilipino na gagawin ng AFP ang kanilang mandato na protektahan ang national interest ng bansa sa nasabing lugar.
Sa ngayon, regular ng nagsasagawa ng maritime patrols ang Western Command sa West Philippine Sea bilang bahagi ng kanilag constitutional mandate para protektahan ang soberenya at ang sovereign rights ng Pilipinas.
Bukod sa mga navy vessels, nagpapatrulya na rin ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Una nang sinabi ni chief of staff na hindi niya hahayaan na makapanakop pa ang China gaya ng ginawa nila sa Scarborough Shoal.
Inihayag din ng National Task Force-West Philippine Sea na nasa 200 pang mga Chinese maritime militia ang nakakalat ngayon sa iba’t ibang lugar sa nasabing lugar.