Nangangamba umano ang Management Association of the Philippines (MAP) na maaapektuhan ang ekonomiya ng Pilipinas sa hakbang ng European Parliament na magsagawa nang pag-review sa insentibo sa taripa na ibinibigay sa Pilipinas.
Ito ay may kaugnayan sa umano’y alegasyon na pag-abuso ng gobyerno sa karapatang pantao at pag-atake sa malayang pamamahayag.
Dahil dito nanawagan ang management association na dapat kausapin na ng gobyerno ng bansa ang European Parliament.
Ayon kay MAP president Francis Lim, umaasa sila na sana ‘wag tanggalin ng European countries ang tinatawag na GSP o Generalized Scheme of Preferences.
Kapag nangyari raw kasi ito hihina ang mga produkto ng Pilipinas at tatamaan ang mga industriya at marami ring mawawalan ng trabaho.
“It will make our products less competitive and will seriously impact on several industries,” ani Lim. “It will increase the number of the unemployed among our countrymen at the time when they most need jobs.”