BUTUAN CITY – Nakakulong na ngayon ang manager sa isang hotel nitong lungsod ng Butuan matapos nahuli sa buy bust operation sa may San Pedro, Montilla Boulevard, Barangay San Ignacio.
Nakilala ang suspek na si Bench Rey Puyat Enriquez, 28, binata at residente sa nasabing barangay.
Isinagawa ang anti-illegal drug operation sa Philippine drug Enforcement Agency (PDEA-Caraga).
Patungo na sana sa trabaho ang suspek nang sinalubong ito sa poseur-buyer ng PDEA.
Positibong nabilhan ang suspek ng nagkakahalagang P500 na pinaniniwalaang shabu.
Sa kabuuan, umabot sa apat na sachet sa nasabing droga ang nakumpiska sa posisyon sa suspek.
Ngunit mahigpit na pinasinungalingan ng manager na siya ay nagtutulak sa pinagbabawal na gamot habang sinuportahan naman ito ni Barangay San Ignacio Kapitan Jocelyn Amado sa pagsasabing hindi nasasangkot sa nasabing iligal na aktibidad ang manager.
Ngunit iginiit naman ng PDEA-Caraga na nagtutulak ng illegal drugs ang suspek kaya ito ang dahilan kaya target nila ito ng kanilang operasyon.