Lumabas sa resulta ng Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Enero 2025 na ang managers ang may pinakamataas na arawang sahod sa Pilipinas.
Sa press conference ngayong Huwebes,Marso 6, iniulat ni PSA Deputy National Statistician Sectoral Statistics office ASec. Divina Gracia Del Prado na mula sa 5 major jobs sa bansa, ang Mangers ang nakatanggap ng pinakamataas na average daily wage noong Enero na nasa P1,300, bagamat bumaba ito mila sa P1,356 noong Enero 2024.
Sumunod ang mga trabaho sa Armed Forces, na sumasahod ng P1,174 kada araw. Tumaas naman ito mula sa P1,095 kada araw noong Enero 2024.
Kabilang sa Armed forces occupations ang lahat ng mga posisyong hinahawakan ng mga miyembro ng armed forces maliban sa civil defense gaya ng police at customs inspectors.
Ikatlo naman ang professionals na sumasahod ng P1,173 kada araw mula sa P1,113 noong Enero 2024. Saklaw dito ang mga nasa fields of sciences, social science, legal at social services, art at iba pa.
Pang-apat ang technicians at associate professionals na sumasahod ng P855 kada araw, tumaas ito mula sa P786 nooong Enero 2024.
Pang-lima ang clerical support, na nakakatanggap ng arawang sahod na P739, tumaas din ito mula sa P708 kada araw noong Enero ng nakalipas na taon.
Samantala, ang 5 trabaho naman na may pinakamababang arawang sahod ay sa elementary occupations (P416), skilled agricultural, forestry at fishery workers (P418), service and sales workers (P531), plant and machine operators at assemblers (P572), craft at iba pang trade workers (P573).