-- Advertisements --

DAVAO CITY – Ipinangako nang nagpakilala na abogado ng Ever Arm Marketing na maibabalik na ang pera ng mga investor sa Agosto sa halip na sa Hulyo pa sana.

Ayon sa kompaniya ang kanilang pondo ay nasa ibang trading firm.

Ayon kay Atty. Orheim Ferrer, nagpakilalang abogado ni Hernane Naga, CEO ng Ever Arm Marketing, sinabi umano sa mga manager sa isinagawang meeting sa lungsod na karamihan sa kanilang pondo ay nasa trading firm at sa Agosto pa mababawi.

Halos mangiyak-iyak na ang mga manager ng nasabing investment scheme na sana tantanan na sila sa mga banta sa kanilang buhay.