VIGAN CITY – Nanawagan si dating Philippine Olympic Comittee (POC) Chairman na ngayo’y presidente ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas Monico Puentevella na magretiro na si fighting Sen. Manny Pacquiao pagkatapos ng laban nito kay Keith Thurman sa susunod na buwan.
Ito ay kasunod ng naunang panawagan ni dating Ilocos Sur governor-Narvacan mayor-elect Luis “Chavit†Singson sa kaniyang kaibigan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan, pinayuhan ni Puentevella si Pacquiao na kung maaari ay huwag niyang hintayin na ma-ospital ito o hindi kaya naman ay mapuruhan sa laban bago ito magretiro sa boxing.
Bagaman tiwala ang dating POC chairman sa kakayahan ng kaibigan nito, sinabi niya na matanda na umano ito at kailangan nang magpahinga dahil marami na itong napatunayan sa sport.
Nais nito na tutukan na lamang ng fighting senator ang kaniyang pamilya at pagsisilbi sa bayan bilang isang senador.