Pinaplano na ni Department of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at US Secretary of State Marco Rubio ang pagpupulong sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at United States President Donald Trump, ayon sa DFA.
Ang planong ito ay matapos ang phone call sa pagitan nina Manalo at Rubio noong Miyerkules.
Tinalakay din ng dalawang opisyal ang state of defense at security cooperation ng dalawang kaalyado, kabilang ang suporta ng US para sa modernisasyon ng depensa ng Pilipinas at ang sitwasyon sa pinag-aagawang teritoryo.
Ayon sa ahensya, muli nilang pinagtibay ang kahalagahan ng patuloy na pagpapalakas ng ugnayan at katatagan sa ekonomiya.
Kinilala rin ng dalawang Kalihim ang papel ng trilateral cooperation sa Japan hindi lamang sa pagpapalakas ng seguridad sa rehiyon kundi pati na rin sa mga pagsisikap na bumuo nang matatag na supply chain sa mahahalagang sektor at dagdagan ang pribadong pamumuhunan.