NAGA CITY- Mas lalo pa aniyang umiinit ang laban sa pagkapresidente sa pagitan ni US President Trump at Democratic presidential candidate Joe Biden habang papalapit ang November 3 US election.
Sa ulat ni Bombo International Correspondent Betina Obias mula sa Washington DC, sinabi nito na sa ngayon ay nakalalamang si Biden ng halos 10% kumpara kay Trump.
Sa kabila nito, hindi pa rin aniya ma-determina kung sino ang maaaring manalo sa pagitan ng dalawa kaya mas lalo ring nagiging exciting ang ang papalapit na eleksyon.
Sa ngayon aniya, mas maraming mga amerikano ang bumoboto ngayon kung saan aabot sa 20 percent ang nakaboto sa nagpapatuloy na early election kahit sa Nobyembre 3 pa ang opisyal na eleksyon.
Samantala, umaasa ang mga tagasuporta ng magkabilang kampo na makukuha ang panalo sa posisyon bilang presidente ng Estados Unidos.