Inaanunsyo ng Simbahang Katoliko ang kahalagahan ng pagsusuot ng face mask sa tradisyunal na Simbang Gabi bilang hakbang sa pagkontrol ng pagtaas muli sa mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Cardinal Advincula, ang hakbang na ito ay naayon sa rekomendasyon ng Ministry of Health Care ng Archdiocese of Manila kaugnay sa patuloy na banta pa rin ng COVID-19 at iba pang mga sakit.
Sa kabila nito, hindi umano dapat matanggalan ng kasiyahan ng Pasko ang publiko na kailangan lamang sumunod sa mga health and safety protocols para mas mabisang makapagselebra ng Pasko.
Maliban sa pagsusuot ng face mask, hinihikayat din ng Simbahan ang hand hygiene at hiniling sa mga may sakit na manatili sa kanilang mga tahanan.
Tiniyak naman ni Advincula na ang mga susunod na araw ay kakikitaan ng mas masaya kasabay ng puno ng pananampalataya na antisipasyon sa Pasko.