-- Advertisements --

Tiniyak ng kasalukuyang nangunguna sa bilangan ng boto para sa senatorial race na si Sen. Cynthia Villar na mananatiling independent ang Senado kahit karamihan sa mga nanalo ay inindorso ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Villar sa panayam ng Bombo Radyo, kahit kakaunti ang minority senators ay kanila itong pinakikinggan at sinusuportahan kung may mga valid na dahilan.

Aniya ang mga miyembro ng mataas na kapulungan ng Kongreso ay may sari-sariling paninindigan at hindi nadadala lamang ng paniniwala ng punong ehekutibo.

“Masyado pong independent ang Senado at hindi mangyayari ‘yung iniisip nila,” wika ni Villar.

Nagpasalamat naman ito sa mga sumuporta sa kaniyang kandidatura, pati na sa mga umalalay sa kanilang kampanya.

“I also wish to congratulate the voters who really make it a point to fulfill their civic duty na makaboto despite the difficulties and inconveniences of finding their precincts and enduring long lines,” dagdag pa ni Villar.