Tiniyak ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na hindi sila makikisali sa kasalukuyang nagyayari kay House of Vice President Sara Duterte’s Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez. Ito ay kasunod ng contempt order at pagkakakulong ng abogado.
Ayon kay IBP National President Antonio Pido, pananatilihin ng organisasyon ang pagiging “non-political” sa mga ganitong sitwasyon. Aniya, hindi sila obligado na magkaroon ng kinatatayuan sa nangyayari ngayon sa kapwa nila abogado na si Lopez.
Dagdag pa ng organisasyon na ang pagpapatawag kay Lopez sa house hearings ay dahil siya ang Chief of Staff ng bise-presidente na nagresulta sa paghahatol ng contempt order at pagkakakulong, at hindi dahil siya ay isang abogado.
Ang naging pahayag ng organisasyon na ito ay kasunod ng hamon ng dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na hindi umano umaaksyon ang organisasyon sa nangyayari kay Atty. Zuleika Lopez.