-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nag-trending ngayon sa social media ang nangyari sa isang lalaking mananaya ng Small Town Lottery (STL) na sinasabing naapektuhan ang pag-iisip sa lungsod.

Ito’y matapos ipahinto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng STL, Keno at Peryahan ng Bayan dahil sa umano’y talamak na korapsiyon sa Philippine Charity Sweeptakes Office (PCSO).

Mismo si Stella Ferrariz, psycho-metrician at consultant ng Philippine Mental Health Association o PMHA-CDO-Misor Chapter ang nagkumpirma nito sa Bombo Radyo.

Ayon kay Ferrariz, kanyang ipinasailalim sa counselling ang nasabing mananaya na nakatira sa Brgy. Balubal sa lungsod dahil naapektuhan umano ang pag-iisip nito sa pagpahinto sa gaming operations ng PCSO lalong-lalo na ang STL.

Sinabi pa ni Ferrariz sa Bombo Radyo na ito kadalasan ang mangyayari sa mga taong nakadepende ang hanapbuhay sa pagsusugal.