-- Advertisements --
Maraming flights ang nakansela matapos ang naganap na kawalan ng suplay ng kuryente sa Manchester Airport.
Inabisuhan na ng mga otoridad ang mga pasahero na magkakaroon ng delay ang mga flights sa terminal 1 and 2.
Aabot sa 66 departures mula sa Manchester Airport ang nakansela habang mayroong 50 inbound flights ang nakansela.
Humingi na ng paumanhin si Mancher Airport managing director Chris Woodroofe sa mga apektadong pasahero.
Hindi nila kasi inakala na naging matindi ang epekto ng pagkasira ng bahagi ng kanilang electrical system.
Gumawa na sila ng paraan para ma-rebook ang mga pasahero na naapektuhan.
Umaasa ang mga ito na makakabalik na sa normal ang operasyon ng paliparan sa araw ng Lunes.