Naghain ng apela ang sa Court of Arbitration for Sports (CAS) ang Manchester City matapos na sila ay patawan ng dalawang taon na ban mula sa European football competition.
Ayon sa CAS naihabol ng nasabing koponan ang itinakdang deadline sa kanilang pag-apila.
Hindi naman binanggit ng kopona kung hihirit sila ng public hearing o magkaroon lamang ng out-of-court settlement para maresolba ang problema.
Nakita kasi ng UEFA na guilty ang Manchester City sa mga problema sa financial monitoring rules at bigong makipag-ugnayan sa investigation mula pa noong nakaraang taon.
Dahil sa insidente ay pinagbawalan ng maglaro ang koponan sa Champions League, Europa League o Super Cup sa dalawang season.
Pinagmulta din ang koponan ng $32.5 million bilang parusa.