-- Advertisements --
Gumawa ng paraan ang Mandaluyong City Government para mabawasan ang basura sa kanilang lungsod.
Ito ay matapos na ilunsad ang “Palit Basura Project” kung saan papalitan ng City Government ng mga grocery ang maiipong basura ng kanilang residente.
Layun nito na maturuan ang mga residente na ihiwalay ang kanilang mga basura na maari pang pakinabangan.
Kasama nila ang Mandaluyong City Police Station at Barangay Ecological Solid Waste Management ay matitiyak na ang bilang ng mga plastic sachets ay maiturn-over sa Eco-bricks Production Faclity/Material Recovery Facility na matatagpuan sa Mandaluyong Technical-Vocational Training Center.