-- Advertisements --
bigas

Inihayag ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na maaring alisin ng gobyerno ang mandated price ceiling para sa regular at well-milled rice sa susunod na ilang linggo.

Sinabi ng SINAG na nagsisimula na ang panahon ng pag-aani ng palay, kaya inaasahang unti-unting bababa ang mga presyo nito.

Ayon kay SINAG Chairman Rosendo So, kapag nag-ani hanggang Disyembre ang presyo ng bigas sa bansa ay babalik sa P43, P44.

Samantala, ayon naman sa Department of Agriculture, ang inaasahang pagtaas ng suplay na dulot ng panahon ng pag-aani ay isa sa mga salik na kinokonsidera.