Inihayag ng Palasyo na hindi pa nakapagpasya ang gobyerno sa mandatoryong pagbabakuna para sa COVID-19 dahil nakadepende ito sa turnout sa tatlong araw na nationwide vaccination drive ngayong linggo.
Sinabi ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles na hangga’t nakikita ang pagiging consistent, significant turnout sa panahon ng bakunahan, kung saan nakapagtala ang bansa ng isang milyong dosis sa loob ng isang araw at hanggang tatlong milyong dosis na ibinibigay bawat araw dahil sa 3-day vaccine drive, hindi pa gagawin na mandatoryo ang bakunahan.
Gayunpaman, idinagdag ni Nograles na ang bagong variant ng Omicron coronavirus ay isa pang factor na maaaring makaimpluwensya sa desisyong ito.
Higit pa rito, ayon kay Nograles, kailangan pa rin ng Kongreso na magpasa ng batas para sa mandatoryong pagbabakuna sa COVID-19.
Napag-alaman na hindi bababa sa 2.5 milyong dosis ng bakuna para sa COVID-19 ang ibinigay sa unang araw ng 3-day nationwide COVID-19 drive.
Hinahangad ng gobyerno na makapagturok ng tatlong milyong dosis bawat araw sa loob ng tatlong magkakasunod na araw.