Binigyang-diin ni Sen. Jinggoy Estrada na hindi dapat limitado lamang sa mga celebrities at mga artista ang pagpapa-drug test bago magtrabaho.
Sinabi ni Estrada na isa ring artista bago naging senador, hindi dapat maging discriminatrory ang panukala at dapat saklaw nito ang lahat ng work engagements para matiyak ang drug-free workplace.
Ayon sa mambabatas, malinaw sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na minamandato nito ang lahat ng opisyal at empleyado ng public offices na sumailalim sa random drug testing habang batay sa 2017 resolution ng Civil Service Commission, iniuutos nito ang random drug testing sa lahat ng national government at olcal government units para matiyak na manatiling drug-free ang mga government employees.
“Drug tests as a pre-requisite to employment should not be limited to celebrities and actors. It should not be discriminatory. And such proposed drug testing before any work engagements should be encompassing and should not prejudice certain sectors in our society especially if we want to ensure a drug-free workplace,” ani Estrada.