-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Canlaon City, Negros Oriental Mayor Jose Chubasco Cardenas ang mandatory evacuation sa mga residente malapit sa nag-alburotong Mount Kanlaon.

Sa inilabas na Executive Order No. 36 na lahat ng mga naninirahn sa loob ng tatlong metro mula sa kailugang malapit sa bulkan ay dapat lumikas.

Una ng inatasan ng alkalde ang mga residente ng barangay Masulog, Pula, Lumapao at Malaiba na magtungo sa evacuation centers kung saan pinagdadala sila ng mga inuming tubig, pagkain at mga kagamitan.

Nasa 22 pamilya o katumbas ng 81 indibidwal na ang nailikas mula sa barangay Pula at nailipat na ang mga ito sa Macario Espanola Memorial School.

Maging ang mga tourism spot sa lugar ay pansamantalang isinara.

Una rito ay itinaas ng PHIVOLCS sa Alert Level 2 ang lugar dahil sa pagsabog ng bulkan.

Inilagay din ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) ng Negros Occidental ang probinsiya sa “Blue Alert”.