Ipinag-utos ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mandatory evacuation sa mga Filipino na nasa Ukraine.
Ayon sa DFA na nagiging malala na ang sitwasyon sa Ukraine mahigit isang linggo ng atakihin sila ng Russia.
Itinaas na rin sa Alert Level 4 ng DFA ang nasabing crisis level sa nasabing bansa.
Sa nasabing alert level 4 ay nangangahulugan ito ng Mandatory Repatriation o obligado ang mga Filipino sa Ukraine na lumikas at sasagutin ng gobyerno ang gastos.
Dagdag pa ng DFA na tutulungan sila ng Philippine Embassy sa Poland at ang Rapid Response Team na siyang nangangasiwa sa paglikas sa mga Filipino.
Nasa mahigit 300 Pinoy kasi ang naninirahan at nagtatrabaho sa Ukraine kung saan nakauwi na ang iba habang nasa mahigit 100 Pinoy pa rin ang nananatili sa Ukraine.