-- Advertisements --

Kinumpirma ni Labor Sec. Silvestre Bello III na sakop na rin ng mandatory evacuation ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasa Iran at Lebanon.

Kasunod ito ng naunang anunsyo ng MalacaƱang na iniutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapauwi sa mga Pinoy workers na nasa Iraq, dahil sa umiinit pang tensyon sa Middle East.

Ayon kay Bello, gagamitin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang 2019 repatriation budget nito na nagkakahalaga ng P100 million para sa pagpapauwi ng mga Pilipino.

Nai-remitt na raw ng DOLE sa Philippine Overseas Labor Offices (POLO) ng mga bansa sa Gitnang Silangan na may OFW ang pondo.

Nasa kamay naman na ni Environment Sec. Roy Cimatu na siyang special envoy to the Middle East ang schedule ng repatriation, paliwanag ni Bello.

Batay sa datos ng Labor department, aabot sa 2.1 milyon ang bilang ng documented Pinoy workers sa buong rehiyon. Tinatayang nas 62,000 naman daw ang mga undocumented o irregular migrants.