-- Advertisements --
Pinalawig ng Taiwan ang kanilang mandatory military service mula sa dating apat na buwan ay ginawa nila itong isang taon.
Sinabi ni President Tsai Ing-wen na ang hakbang ay dahil sa patuloy ang tensiyon sa pagitan nila ng China.
Iginigiit kasi ng China na bahagi pa rin ng kanilang bansa ang Taiwan.
Dagdag pa ng Taiwan President na magiging matindi ang military training na ipapagawa sa mga kadete kung saan kukuha ang mga ito ng idea mula sa US at ilang advance militaries.
Aminado kasi ito na hindi sapat ang kaalaman nila ukol sa pakikipaglaban kumpara sa China.
Mahirap man aniya ang desisyon ay ginagawa lamang nito ang tama para ipagtanggol ang kanilang bansa.
Magsisimula aniya ang bagong panuntunan sa 2024.