Iminungkahi ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagsusuot ng mga empleyado ng face shields habang nasa kanilang trabaho.
Sa isang panayam, sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na malalaman mamaya sa pagpupulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) kasam sina Trade Secretary Ramon Lopez at Health Secretary Francisco Duque III kung tuloy ang rekomendasyon niyang ito.
Ayon kay Bello, layon ng mungkahi niyang ito na matiyak ang kaligtasan ng mga empleyado habang nasa duty.
Dapat aniyang sagutin ng mga employers ang pagbili sa mga face shields na gagamitin ng kanilang mga employers.
Ang mga kompanyang hindi susunod rito ay mahaharap aniya sa administrative penalties.
Bukod sa social distancing, dapat din aniyang palagiang ipinapatupad sa mga workplaces ang sanitary at health protocols katulad na lamang ng paghuhugas ng kamay at temperature check.