-- Advertisements --
ILOILO CITY- Muling ipapatupad ang mandatory na pagsuot ng face mask sa Iloilo City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Vice Mayor Jeffrey Ganzon, na siyang acting mayor ng Lungsod, sinabi nito na ang nasabing hakbang ay inirekomenda mismo ni Mayor Jerry Treñas.
Ayon kay Ganzon, patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng Coronavirus disease 2019 sa lungsod.
Kapag patuloy ang pagtaas ng kaso ng nakakahawang sakit, tiyak anya na maaapektuhan ang pang-araw araw na pamumuhay ng mga Ilonggo.
Ang nasabing hakbang anya ay kinunsulta mismo nito sa City Health Office.
Napag-alaman na si Mayor Treñas ay nasa labas ng bansa sa ngayon.
Nakatakda namang itong magpalabas ng executive order upang pormal na maipatupad sa lungsod.