-- Advertisements --

Muling ipapatupad ang mandatory na pagsusuot ng face mask sa mga indoor private at public establishments sa lungsod ng Iloilo kasunod ng bahagyang pagtaas sa bilang ng mga nagkakasakit ng COVID-19.

Sa advisory ng Iloilo City Local Health Board, nakasaad na mandatory ang pagsusuot ng face mask sa public transportation at mga outdoor settings kung saan pahirapan ang physical distancing.

Boluntaryo naman ang pagsusuot nito sa open spaces ayon pa sa health board.

Sa panayam naman ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na ito ay naaayon pa rin ito sa memorandum ng Department of Health noong nakaraang taon.

Ayon pa sa alkalde, mild lamang ang karamihan sa mga naitalang kaso at hindi pa mataas ang hospital utilization rate sa lungsod.

Napag-alamang bago ito, ibinalik rin ang no face mask, no entry policy para sa mga empleyado at kliyente sa Iloilo City Hall.

Una nang tiniyak ng alkalde sa publiko na walang ipapatupad na lockdown sa lungsod sa kabilang ng naitalang increase sa coronavirus cases.