Magiging mandatory na ang pagsusuot ng face shield at face mask kung lalabas ng kani-kanilang mga bahay.
Ayon Presidential Spokesman Harry Roque, ito ang ipinag-utos ng
Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases upang maibsan ang pagkalat pa ng COVID-19.
Kung dati umano ang mandatory lamang na pagsusuot ng face mask at face shield ay sa mga malls at public transportation, ngayon naman ay lahat na ng mga pampublikong lugar.
Nilinaw din naman ni Roque na ang pinapayagan lamang na takip sa mukha ay full face shield na ang ibig sabihin ay mula sa noo hanggang sa baba ng mukha ng isang tao.
Ang naturang bagong direktiba ng IATF ay kasunod na rin ng mga pangamba na posibleng pagsirit pataas ng bilang ng mga COVID cases sa panahon ng holiday season.
“All persons are mandated to wear full-coverage face shields together with face masks, earloop masks, indigenous, reusable, or do-it-yourself masks, or other facial protective
equipment which can effectively lessen the transmission of COVID-19, whenever they go out of their residences, pursuant to existing guidelines issued by the national government
subject to fair and humane penalties or punishments that may be imposed by LGUs or implemented by law enforcement agencies, respectively,” bahagi nang naamyendahan na Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine in the Philippines.