-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Mahigpit na ipinapatupad ang pagsusuot ng face shield at gloves maliban pa sa face mask sa mga natitinda, food delivery riders at food handlers upang maiwasan ang pagkalat ng CoVID-19.

Ito ay batay sa nauna nang inilabas na executive order ni City Mayor Joseph Tan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Roger Feliciano, Department and Public Order and Safety (DPOS) deputized to the public market na sa unang linggong pagpapatupad ng nasabing kautusan ay marami ang nabigyan ng warning.

Dahil dito ay naging araw araw ang kanilang information dessimination sa pagsusuot ng face shield at gloves maliban pa sa face mask sa mga natitinda, food delivery riders at food handlers.

Sa kasalukuyan ay naging epektibo ang kanilang information dessimination at kakaunti na lamang ang hindi sumusunod.

Karamihan anyang dahilan ng mga nahuhuling hindi sumusunod sa nasabing kautusan ay dahil sa hindi komportableng pagsusuot at nahihirapang huminga na kanila namang binibigyang ng konsiderasyon.

Ipinapaliwanag na lamang nila ang kagandahan ng pagsusuot ng face mask ,face shield at gloves na malaking tulong upang makaiwas sa CoVID 19

Sinumang lalabag sa nasabing kautusan ay mabibigyan ng citation ticket at magmumulta ng isang libong piso na babayaran sa tanggapan ng DPOS.