-- Advertisements --
Nagpalabas ng kautusan si Texas Governor Greg Abbott na nag-aatas sa mga mamamayan na magsuot ng face mask kapag nasa pampublikong lugar.
Kasunod ito ng pagkatala ng 8,000 na kaso ng coronavirus noong nakaraang araw.
Sinabi pa ng gobernador na ang pagsusuot ng face mask ay makakatulong para maging bukas ang mga negosyo sa kanilang lugar.
Mabibigyan ng warning sa unang pagkakataon ang mga lalabag at kapag naulit pa ay pagmumultahin ang mga ito ng $250.
Dahil sa pagtaas ng kaso ng virus ay napilitan si Abott na isara ang 50 porsyento ng kanilang negosyo.