-- Advertisements --
Magiging mandatory na sa Austri ang pagpapabakuna laban sa COVID-19.
Sinabi ni Austiran President Alexander Van der Bellen na pinirmahan na niya ang batas sa pagpapabakuna sa lahat ng mga mamamayan niya na nasa hustong edad.
Nakasaad sa batas na ang mga hindi bakunado at walang anumang vaccine certificate o exemption ay papatawan ng multang nasa $680.
Magsisimula ipatupad ang nasabing batas sa Marso 15 at magtatapos ng hanggang Enero 31, 2024.
Dahil dito ay magiging kauna-unahang bansa ang Austria sa Europa na maging mandatory ang COVID-19 vaccines.