-- Advertisements --
Nakahanap ng agaran at makatuwirang dahilan si presidential adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion para gawing mandatory ang pagpapabakuna laban sa COVID-19.
Ito ay sa pamamagitan daw ng banta ng Omicron variant ng COVID-19 na naitala na sa maraming bansa.
Sinabi ni Concepcion na mahalaga na maturukan ng bakuna laban sa COVID-19 ang mamamayan para maibalik na rin ang sigla ng ekonomiya.
Suportado nito ang naging hakbang ng gobyerno na gawing mandatory ang pagpapabakuna sa mga manggagawa at ang mga ayaw magpabakuna ay dapat sumailalim sa RT-PCR test kada dalawang linggo.
Magugunitang nagpatupad ng travel ban ang mahigit na sa 30 mga maraming bansa laban sa South Africa kung saan unang nadiskubre ang Omicron variant.