-- Advertisements --

Iminungkahi ni European Commision President Ursula von der Leyen ang mandatory na pagpapaturok ng bakuna laban sa COVID-19.

Kasunod ito sa banta ng bagong variang na Omicrona na naitala sa maraming bansa.

Ito aniya ang nakikitang paraan para hindi na tumaas pa ang bilang ng mga nadadapuan ng bagong variant ng COVID-19.

Magugunitang maraming bansa na rin sa Europa ang nagtala ng kaso ng Omicron variant ng COVID-19 na nagbunsod sa paghihigpit sa mga biyahe lalo na yung mga galing sa South Africa kung saan doon ito unang nakita.