-- Advertisements --

Sisimulan na ang gagawing mandatory sa vaccination sa mga on-site employees sa public and private sectors na may sapat na supply ng bakuna sa pagpasok ng buwan ng Disyembre.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito ay matapos na aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga bagong measures kaugnay sa mga bakunahan na sisimulan sa darating na Disyembre 1, 2021 bilang pagsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ani Roque, ang mga hindi pa bakunadong mga empleyado ay hindi tatanggalin sa kanilang mga trabaho ngunit ire-require ang mga ito na regular na sumailam sa RT-PCR testing, o antigen tests gamit ang kanilang sariling gastos.

Samantala, mandatory na rin na ipapatupad sa mga kababayan na nagtatrabaho sa mga pampublikong transportasyon kabilang ang road, rail, maritime and aviation sectors.

Paglilinaw naman ni Sec. Roque, hindi kabilang sa mga nasabing panuntunan ang mga frontliners at mga nagtatrabaho sa mga emergency services.