-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang istriktong pagsusuot ng mga face shield indoor at outdoor.

Ayon sa pangulo, marami itong nakausap na mga health experts at iminungkahi pa rin nila ang pagsusuot ng face shield bukod pa sa face mask dahil sa pinangangambahang pagkalat ng Delta variant ng COVID-19.

Ayaw daw ng pangulo na maranasan ang second wave ng COVID-19 na mas matindi kaysa sa una gaya ng mga naranasan ng ibang bansa.

Magugunitang ipinahayag ng pangulo noong nakaraang linggo na limitado lamang sa mga pagamutan ang pagsusuot ng face shield subalit kinontra ito ng COVID-19 Task Force at hinikayat na dapat magsuot pa rin ng mga face shield sa loob at sa mga pampublikong lugar.