Inirekomenda ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. ang mandatoryong pagpaparehistro ng mga idibdiwal sa pagpasok sa mga mall at iba pang establishimento.
Ginawa ni Abalos ang naturang panukala matapos iulat ng Department Of Health (DOH) ang pagtuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa nakalipas na mga linggo.
Ipinanukala ng DILG chief ang paggamit ng apps na maaaring ma-access sa pamamagitan ng QR code o ibang pamamaraan gamit ang mobile phones at gadgets sa pagpaparehistro sa pagpasok sa mga establishimento.
Ipinunto ng opisyla na mahalaga ito lalo na sa contact tracing kung kakailanganin.
Giit ni Abalos na makakatulong din para magkaroon ng efficient service kapag mayroong application na mandatory sa tuwing papasok ng mall at kapag nagkasakit aniya ang isang indibdiwal ay agad na mapapaalam sa LGU ang kaniyang kondisyon.
Sa katunayan, ayon kay Abalos ang naturang stratehiya ay ginagamit na ng ilang business establishments.
-- Advertisements --