-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Maaari nang lumabas-pasok sa isla ng Boracay ang mga manggagawa na fully vaccinated na kahit wala silang maipakitang negative antigen test result.

Ayon kay Malay Mayor Frolibar Bautista, kailangang iprisinta ng mga manggagawa ang kanilang balidong vaccination card bilang katibayan na nakumpleto na nila ang kanilang 1st at 2nd dose vaccine laban sa COVID-19.

Nilinaw pa nito na pinapayagan din makapasok ang mga babalik pa para sa kanilang second dose.

Ipinaliwanag ni Mayor Bautista na ini-require nila ang antigen test upang mapangalagaan ang bawat isa sa deadly virus.

Umani ng negatibong reaksyon sa mga kritiko ang pag-require ng lokal na pamahalaan ng Malay ng antigen test sa mga manggagawa na hindi agad makabalik sa isla pagkalipas ng 12 oras mula sa mainland Malay.