-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang isang laborer matapos magbigti sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Jay-Ar Victoriano Maribao, 21, binata at residente ng Barangay Demapaco, Libungan, Cotabato.
Ayon sa ulat ng Libungan PNP na natagpuan ang bangkay ng biktima na nakabitin sa isang tubo gamit ang kanyang panyo na itinali sa kanyang leeg sa loob ng isang paaralan sa Brgy Demapaco.
Bago nagbigti ang biktima ay napansin ito ng kanyang pamilya na malungkot at tahimik.
Personal na problema na humantong sa sobrang depresyon ang dahilan daw para kitilin ng binata ang kanyang sariling buhay.
Wala namang nakitang foul play ang Libungan PNP sa pagbigti ng biktima.