LA UNION – Ikalawang buhay kung ituring ng isang mangingisda ang pagkakasagip sa kanila matapos hampasin ng halos gabundok na kalaki ng alon matapos pumalaot.
Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Marlon Pascua, Barangay Pagdalagan Sur, Bauang, La Union sinabi nito na pumalaot sila ng alas 7 ng gabi noong nakaraan taon ngunit hindi na sila nakabalik sa pampang dahil sa hinampas umano sila ng malalaking alon na nagpatumba sa bangka ng mga ito.
Ang tatlong container ng tubig at ang nag-iisang repolyo umano ang naging sandigan nila upang hindi magutom matapos manatili sa laon ng halos isang linggo.
Sinabi rin ni Marlon na hindi umano sila natutulog sa gabi dahil inaantabayanan nila ang pagdating ng mga barko.
Sa huli, napadpad umano sila sa karagatang bahagi ng Magsingal, Ilocos Sur, kung saan dito na sila tinulongan ng mga kapwa nila mangingisda.
Laking pasasalamat naman ng asawa ni Marlon na si Loreta na nakauwing buhay ang kanyang asawa at nagpasalamat rin ito sa mga tumulong sa kanila.
Samantala, hindi pa rin iiwan ni Marlong ang pangingisda kahit pa nakaranas sila ng ng hindi maganda sa laot dahil sa dito umano niya kinukuha ang ikinabubuhay ng kanyang pamilya.