-- Advertisements --
NAGA CITY – Nakauwi na ang mangingisdang na-rescue ng mga otoridad sa Camarines Sur matapos umanong mawala makaraang maglayag nitong Lunes.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) provincial station commander Ens. Bernardo Pagador Jr. na halos isang araw nilang pinaghahanap sa karagatang bahagi ng Pasacao si Felisisimo Hita.
Ligtas naman daw nang matagpuan ng PCG ang mangingisda at ngayo’y nakabalik na sa kanyang pamilya.
Kaugnay nito, nagsimula na rin daw ang pagdami ng mga stranded na pasahero sa Pasacao Port na patungong Masbate.
Hindi muna kasi pinayagan ng mga opisyal na maglayag ang kahit anong sasakyang pandagat dulot ng masamang panahon at malalakas na alon.