-- Advertisements --

Isang mangingisda ang iniulat na nasawi, at 4 niyang kasamahan ang nawawala nang tumaob ang kanilang banka sa karagatan ng Buenavista, Marinduque.

Sa ulat ng Buenavista PNP na nakarating Sa camp Crame, nasawi sa pagkalunod at head injury ang mangingisdang si Jovert Manalo Garay, 21 taong gulang, na residente ng Sitio Lagundian, Brgy. Tungib-Lipata.

Kinilala naman ng mga survivor ang apat niyang kasamahang nawawala na sina: Bobby Villavicencio, Bernie Villavicencio, Hermis Villavicencio at Mario Mendito, lahat residente ng Brgy. Tungib-Lipata, Buenavista.

Base sa inisyal na imbestigasyon, pabalik na ngayong araw sa Buenavista ang mga mangingisda matapos idiskarga ang kanilang huli sa Lucena.

Dahil sa lakas ng hangin at alon, tumaob ang kanilang banka sa bisinidad ng Elephant island, Buenavista.