-- Advertisements --
TACLOBAN CITY — Patay ang isang mangingisda matapos itong tamaan ng kidlat sa Brgy. Cansangaya, Can-avid, Eastern Samar.
Kinilala ang biktima na si Lito Gulferic, 32 anyos, residente ng Brgy 1, Poblacion ng nasabing bayan.
Ayon kay P/Major Clark Chavarria, hepe ng Can-Avid Police Station, nasa laot daw ang biktima at nangingisda ng tamaan ito ng kidlat.
Nadala pa ito sa ospital pero kalauna’y dineklarang dead on arrival.