-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang katawan ng isang mangingisda sa San Francisco, Quezon.

Kinilala ang biktima na si alyas Ricardo, 46-anyos, residente ng Brgy. Silongin, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan ang wala ng buhay na katawan ng biktima ng kinilalang si Mr. Gerry Aleluya sa loob ng isang fishing boat na nagpalutang-lutang sa karagatan na sakop ng Brgy. Don Juan Vercelos, San Francisco, Quezon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na huling nakitang buhay si alyas Ricardo noong Hulyo 2, 2024 ng umalis ito sa kanilang bahay upang mangisda.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad patungkol sa nasabing insidente.