-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Patay ang isang 54-anyos na mangingisda habang nag-aagahan kasama ang dalawang iba pa sa tabing dagat dakong ala-1:30, Sabado ng madaling araw sa Barangay Odiong, Altavas.

Dead on the spot matapos masunog ang harapang bahagi ng katawan ng biktimang nakilalang si Rosalito Pador, residente ng naturang lugar.

Base sa report ng Altavas Municipal Police Station, sumilong muna at kumain sa isang kubo ang biktima kasama ang dalawang iba pa bago ang paglayag sa dagat upang mangisda.

Bigla umanong dumilim ang kalangitan at sumama ang panahon kung saan nagkaroon ng matatalim na kidlat sa lugar at tinamaan ang biktima.