-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Patay ang isang 57-anyos na lalaking nanghuli ng isda kasama ang dalawang kaibigan matapos ang biglang paglalim ng tubig sa ilog sa Barangay Jawili, Tangalan, Aklan.

Nakilala ang biktimang si Virgelio Traje, residente ng Barangay Tagas sa naturang lugar.

Sa report ng Tangalan Municipal Police Station, nangyari ang insidente matapos magkayayaan ang tatlong magkakaibigan na manghuli ng isda sa ilog.

Nalibang umano ang tatlo sa panghuhuli dahil sa maraming isda kaya’t hindi namalayan ang high tide.

Tinangay at nawala ang biktima, kun saan, hindi na ito nailigtas ng mga kaibigan na sina Wilfredo Tarusan, 58 at Emmanuel Dalisay, 34, pawang residente rin ng naturang barangay dahil sa biglang pagtaas ng tubig.

Sinubukan pang iligtas ng mga otoridad ang biktima matapos maiahon sa tubig makalipas ang halos 20 minutong paghahanap, subalit wala na itong buhay.