-- Advertisements --

VIGAN CITY – Itinuturing ng isang mangingisda sa Puro, Magsingal, Ilocos Sur na biyaya at pangalawang buhay nito ang ligtas na pag-uwi sa kaniyang pamilya matapos ang dalawang araw na pagpapalutang-lutang sa karagatan sa tulong ng kaniyang kasamahan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan, sinabi ng mangingisdang si Efren Tiqui na nasiraan umano ang makina ng kaniyang bangkang-pangisda kaya hindi kaagad ito nakauwi sa kaniyang pamilya noong March 6 matapos pumalaot noong March 5 kasama ang kaniyang kapuwa mangingisda para kumuha ng pusit sa dagat.

Aniya, mabuti na lamang umano at marami itong baong tubig na siyang rason kung bakit ito nakasurvive sa gitna ng karagatan.

Ayon kay Tiqui, itinali umano nito ang kaniyang sarili sa loob ng kaniyang bangka na itinali niya sa isang fishing net.

Sa kaniyang sariling pagtaya, umabot umano ito sa 55 milyang layo mula sa pampang.

Ipinagpapasalamat umano nito na noong panahon na nasa gitna ito ng karagatan ay walang sama ng panahon at kalmado lamang ang tubig-dagat