-- Advertisements --

Inaabangan na ngayong araw ang pagsimula ng Mango Eat-All-You-Can na isa sa pinakatanyag na event sa Manggahan Festival sa Guimaras, ang Mango Capital of the Philippines!

Magtatagal hanggang sa Lunes, Mayo 22, ang Mango Eat-All-You-Can event kung saan maaaring mag-enjoy ang participants sa unlimited mangoes na tinuturing na pinakamatamis sa buong bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Francisco Gentoral, Provincial Economic Development Officer sa Guimaras, sinabi nitong maaari ring mag-avail ang participants ng “gold card” o ang “VIP fast past”.

Sa pamamagitan niti, maaaring ma-avail ang guaranteed slot o priority access sa naturang event, free ride mula Iloilo pa- Guimaras, at iba pang freebies para sa mas kumportableng Manggahan experience!

Inaasahan rin ng Provincial Tourism Office na aabot sa 60,000 ang mga turista pupunta sa probinsya sa buong duration ng 2023 Manggahan Festival na nagsimula noong Abril 29 at magtatapos sa Mayo 22 na ika-31 na provincehood ng Guimaras.