BUTUAN CITY – Ipinagmamalaki ni Del Carmen, Siargao Island, Surigao del Norte Mayor Alfredo Coro II ang nakatakda pagdeklara ng kanilang mangrove forest bilang New Ramsar Wetland of International Importance ng Independent Advisory Committee for the Wetland City Accreditation o ICA-WCA scheme.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng mayor na pangsiyam ang kanilang mangrove forests sa wetland conservation category status sa buong Pilipinas at pangalawa sa Caraga Region kasunod ng Agusan Marsh.
Sa ngayo’y nag-develop na sila ng mga bagong atraksyon sa loob ng mangrove forests patungong lagoon at isa dito ay ang del Carmen board walk na may layong 1.2-kilometro kungsaan maaring mag-biking ang mga interesadong turista.
Layunin nila na hindi lamang ang mga tourist attractions ang makikita ng mga turista lalo na ng mga dayuhan, kundi pati na ang kultura mismo ng Pilipinas gaya ng sabong na nakahiligan ng mga Pinoy ayt syang dahilan na magtatayo sila ng cockpit arena.