-- Advertisements --
ILOILO CITY – Mas lumalala pa umano ang epekto ng oil spill matapos sumabog ang power barge ng AC Energy sa Iloilo City.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Rex Sadaba, marine biologist at dating program manager ng University of the Philippines-Visayas Oil Spill Response Program, sinabi nito na 100% nang apektado ng bunker fuel ang mga mangroves sa lalawigan ng Guimaras.
Maliban dito, ayon kay Sadaba, mas lumalala pa ang fish kill sa Guimaras kung saan umaabot sa 16 na mga coastal barangay ang apektado ng oil spill.
Nagbabala rin si Sadaba na iwasan ang pagkuha ang pagkain ng mga seafoods sa Iloilo Strait ang baybayin ng Guimaras dahil maaari itong makalason.